Monday, October 26, 2015

Ako Bilang Isang Apo

Ako, si Ma. Michaela Beatriz C. de Jesus na nakatira sa Pandayan Meycauayan Bulacan. Ako'y mayroong apat na kapatid, at kami'y magkakahiwaly-hiwalay. Mayroon akong lola na masasabi kong ginawa na lahat para sa aming kanyang mga apo. Siya'y matanda na ngunit andyan pa rin siya upang pag aralin at pinararanas ang mga hindi niya naranasan ng siya'y isang bata pa lamang. Ang lola ko'y hindi nakapagtapos ng pag aaral at yon ang pinapangaral niya saming kanyang mga apo, lagi niyang sinasabing "mag aral lang kayo ng mabuti masaya na ko" ngunit hindi sapat sa akin ang mga salitang yon upang siya'y maging masaya. Bilang isang apo'y ako'y nababahala dahil ang lola ko'y matanda na ngunit nagtatrabaho pa rin. Isang hiling lang ng kung anong bagay ay mayroon agad siyang binibigay. Masasabi kong siya ang pinakamalakas sa buong mundo. Ako'y sobrang nalulungkot dahil kailangan niya pang magtiis para lang sa aming magpipinsan at magkakapatid. Tinitiis niya ang pagiging mag isa at wala man lang nag aalaga sakanya,
 nabibigay niya lahat sa amin, ngunit wala siya sa tabi namin para sabihing kuntento na kami kung anong mayron kami. Napakagaan ng pakiramdam ko kapag ang lola ko ang nakakausap ko tungkol sa aking mga problema. Nararapat lang siyang puriin dahil sa lahat ng mga ginugugol niyang oras sa amin na mga magulang sana namin ang gumagawa. Isa siyang bayani na nagligtas sa aming kaalaman at binuhay niya kaming may magandang kinabukasan at may pinangangaralan.
                                                                          

No comments:

Post a Comment